Ang salita ay mga titik at pantig na pinagsama-sama na nagtataglay ng kahulugan.
Mayroong apat na tinatawag na Kayarian ng Salita. Ang mga sumusunod ay;• Payak – salitang binubuo ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa: ama, buhay, yaman
May mga salitang payak ngunit anyong inuulit ang salita.
Halimbawa: singsing,pakpak • Inuulit – kung ang kabuuan ng salita o ang pantig/mga pantig sa unahan ay inuulit. Pag-uulit na ganap – buong salitang ugat ang inuulit. Halimbawa: araw-araw, ulit-ulit Pag-uulit na di-ganap – kung ang unang pantig o unang dalawang pantig ng salitang ugat ang inuuli. Halimbawa: sasarap, minu-minuto • Maylapi – ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Uri ng Panlapi Unlapi – ang panlapi ay nasa unahan ng salitang-ugat. halimbawa: mag+tipid = magtipid Gitlapi – nasa sa gitna ng salitang-ugat anggitlapi halimbawa: in+mahal = minahal in+luto = linuto = niluto Hulapi – ang panalapi ay nasa hulihan ng salitang-ugat halimbawa: an+alaga = alagaan an+laro = laruan Kabilaan – ikinabit ang mga panlapi sa una at huli ng salitang-ugat. halimbawa: pag- + -in + -an + salita = pinagsalitaan Laguhan – ikinabit ang mga panlapi sa una, gitna, at huli. halimbawa: pag- -um + -in + -an + sikap = pagsumikapan • Tambalan – dalawang salitabg pinagsama upang makabuo ng isang salita. Uri ng Tambalan ganap – nagkaroon ng ibang kahulugan ang pinagsamang mga salita. halimbawa: dalaga + bukid – dalagambukid (isda) di-ganap – nanatili ang kahulugan ng dawalang pinagdugtong na salita. halimbawa : dalaga + bukid = babaing taga-bukid
Filed under: Filipino |
hello ma’am.sa wakas nakita ko na ang hinahanap ko ma’am
musta na man ka ma’am
nice blog maam!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
wow nice blog
thnx much..