Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian/Pagkabuo

May apat (4) na uri ng pangungusap ayon sa pagkabuo o kayarian.

1. Payak – isang diwa lang ang tinatalakay.

- maaaring may payak na simuno at panaguri.

Hal. Maraming biyayang bigay ang Panginoon sa mga tao.

2. Tambalan – may higit sa dalawang kaisipan.

- binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa.

- ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang

Hal. Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay kaloob na                                        walang bayad.

Ang mga pangatnig na magkatimbang ay at, pati, saka, o, ni , maging, ngunit.

3. Hugnayan – pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at                                     sugnay na di makapag-iisa.

- ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang ( kung, nang,                                     bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat)

Hal. Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga kapitbahay na nangangailangan.

( ang may salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; walang salungguhit ay sugnay na di makapag-iisa)

4. Langkapan – pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang                                                    pangungusap. ( binubuo ng 2sugnay na nakapag-iisa at                                                sugnay na di nakapag-iisa)

Hal.   Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na puso dahil sinusunod                   nila ang utos ng Panginoon.

(walang salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; may salungguhit sugnay na di- makapag-iisa)

(courtesy of PHOENIX Pluma 6 Wika at Pagbasa)

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: